Nagpositibo ang K-pop idol at singer na si Chungha sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ang kaniya namang mga nakasalamuha, nag-isolate, kabilang ang girl group na Twice.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Martes, sinabing ito ang inanunsyo ng agency ni Chungha tungkol sa kalagayan ng K-Pop star.

"Chungha recently found out that she had come into contact with a confirmed case and voluntarily got tested. On the morning of December 7, the test results came out positive," sabi sa statement ng MNH Entertainment, na iniulat din ng Soompi.

ADVERTISEMENT

Naka-self quarantine na ngayon si Chungha at nagpapagaling.

Postponed muna ang lahat ng schedule ng singer kasabay ng release ng kaniyang unang full album.

"I'm leaving this post in case you get too worried if I don't say anything. I'm sorry and sorry again. I tried to be careful, but I guess it wasn't enough," sabi ni Chungha.

"I'll return again and promote in good health!" dagdag niya.

Samantala, nagpa-test naman ang mga naka-close contact niya, kabilang na ang girl group na Twice. – Jamil Santos/RC, GMA News