Nananatiling Kapuso ang hunk at "Pambansang Abs" na si Jak Roberto matapos siyang mag-renew ng kontrata sa GMA Network.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras," sinabing labis ang pasasalamat ni Jak dahil sa loob ng anim na taon, naging mausbong ang kaniyang showbiz career.

ADVERTISEMENT

"Hindi ko makakalimutan na nagbukas talaga sa akin ng pintuan, siyempre 'Walang Tulugan with the Master Showman,' si Kuya Germs talaga 'yung nag-start ng career ko," sabi ni Jak.

Matatandaang nadiskubre ni Jak kamakailan ang talento niya sa photography nang siya ang kumuha ng mga larawan ng kapatid niyang si Sanya Lopez para sa folio shoot nito.

"Sa photography naman may bago akong hobby. Nu'ng sinabi sa amin na magshu-shoot kami... si Sanya [ang unang biktima ko]," sabi ni Jak, na strikto sa kaniyang kapatid sa shoot.

Present sa contract signing ni Jak sina GMAAC assistant vice president and head for talent imaging and marketing unit Simoun Ferrer, GMAAC senior talent manager Tracy Garcia, at co-manager ni Jak na si Frank Mallari. – Jamil Santos/RC, GMA News