Maikli pero sweet ang ibinigay na mensahe ni Marian Rivera para sa ika-anim na anibersaryo ng kasal nila ni Dingdong Dantes.

"To my life... Happy 6th!" caption ni Marian sa kaniyang post sa Instagram ng photo nila ni Dingdong habang nasa background ang malinaw na tubig sa kanilang beach getaway.

ADVERTISEMENT

Nag-post din si Dingdong ng parehong photo na may caption na "Obvious bang gigil na gigil pa rin ako sa iyo? Happy 6 years, my love!"

Ikinasal sina Dingdong at Marian noong Disyembre 30, 2014 sa Immaculate Concepcion Cathedral sa Quezon City.

Kasama nila sa kanilang getaway ang mga anak na sina Zia at Ziggy. – Jamil Santos/RC, GMA News