Looking healthy sa kaniyang rock solid abs ngayon si Rhian Ramos sa kaniyang latest Instagram post.

Sa naturang post, makikitang suot ni Rhian ang itim na swimsuit sa kaniyang bathroom selfies.

"Black for more!" caption ni Rhian.

ADVERTISEMENT

 

 

Sa Star Bites report sa GMA News TV "Balitanghali" nitong Huwebes, binalikan ang napansin noon ng netizens sa biglaang pagpayat ni Rhian.

Ayon sa aktres, bunga raw ito ng stress at sa breakup nila ng kaniyang boyfriend noong nakaraang taon.

Pero itinanggi ni Rhian na nagkaroon siya ng eating disorder. --Jamil Santos/FRJ, GMA News