Dumoble ang kasiyahan ng mga manonood matapos na dagdagan ni Senator Manny Pacquiao ang P30,000 na papremyo ni Kuya Willie Revillame sa "Wowowin-Tutok To Win."

ADVERTISEMENT

Mula sa P30,000, nagdagdag pa si Senator Manny ng P20,000 kaya mananalo ng kabuuang P50,000 ang mga masuwerteng matatawagan.

Sinubukan din ng eight-division boxing champion ang kaniyang hosting skills nang siya muna ang pumalit kay Kuya Wil sa Tutok to Win, at kunwaring naging guest niya si Willie. Panoorin sa video. – Jamil Santos/RC, GMA News