Pinag-uusapan ng netizens ang estado ng relasyon nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica matapos ang cryptic post ng aktres sa kaniyang Instagram stories.

"The capacity to be alone is the capacity to love. It may look paradoxical to you, but it's not. It is an existential truth: only those people who are capable of being alone are capable of love," saad sa IG story ni Kylie, na makikita sa GMA News 'Unang Balita' nitong Miyerkoles.

Tila hindi na rin daw nakikita sa Instagram ni Kylie ang mga larawan ni Aljur.

ADVERTISEMENT

Samantala, nag-post naman ng larawan si Aljur sa kaniyang Instagram na may hawak na rosaryo habang nasa sasakyan.

"Been praying for a while. The power of prayer is real. Brought peace and clarity," saad ng aktor.

Pinasalamatan ni Aljur ang kapatid niyang si Vin Abrenica sa paggabay sa kaniya.

 

Disyembre 2018 nang magpakasal sina Kylie at Aljur, at mayroon na sila ngayon na dalawang anak. --Jamil Santos/FRJ, GMA News