Nakatanggap ng babala si Kakai Bautista mula sa agency ni Mario Maurer na huwag niyang gamitin ang pangalan ng Thai actor.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, binanggit ang report ng pep.ph kung saan ang warning ay kaugnay ng pagkakalat umano ni Kakai na close sila ni Mario.

ADVERTISEMENT

Ayon sa sulat ng agency ni Mario na Kwaonhar Nine Nine Co., Ltd., sinabihan nito kay Kakai na mag-"cease, desist and refrain from further use and reference of the name of Mario Maurer."

Dagdag pa ng agency, itinatanggi nilang close sina Kakai at Mario.

Ayon pa sa agency, mapipilitan silang maghain ng reklamo kapag hindi tumigil si Kakai.

Nag-post si Kakai noong Setyembre ng clip ng dating interview nila ni Mario nang magsama sila sa isang pelikula noong 2012.

Saad ni Kakai sa caption na "kind at authentic" si Mario. —Jamil Santos/LBG, GMA News