Natupad na ang matagal nang hiling ni Alice Dixson na magkaroon ng anak.

Sa kaniyang Instagram nitong Biyernes Santo, makikitang may hawak na papel si Alice, 51 anyos, na may foot print ng isang sanggol.

ADVERTISEMENT

“Despite the unexpected trials this year, God gave us a little miracle. For those of you who really know me, you’ve known that I’ve been praying for this every year on my birthday for 10 years now. Each year—my wish was the same when I blew out my candles,” saad ni Alice.

“So with great patience, belief and trust—I am happy to announce my wish has finally come true. Our newest little family member has arrived,” dagdag ng aktres.

Kaya naman para kay Alice, isa itong “Advanced Happy Easter” para sa kanilang pamilya.

Sa kaniyang panayam noon, inilahad ni Alice na matagal na nilang sinusubukan ng kaniyang long-time partner na mag-conceive pero hindi sila nagtatagumpay, kaya nagdesisyon silang sumailalim sa surrogacy. – Jamil Santos/RC, GMA News