Sa loob ng isang araw, mahigit 1.3 milyon na ang views sa Youtube ng music video ni Jon Gutierrez, aka King Badger para sa bago niyang single na “SRRY.”

Sa ilang komento sa video na naka-post sa Youtube channel ng Ex-Battalion Music, may mga nagtatanong kung para kay Jelai Andres ang naturang kanta ni Jon.

Napabalita kasi na nagkaroon muli ng hidwaan ang mag-asawa na kapwa napapanood sa Kapuso series na "Owe My Love."

Nakasaad sa liriko ng awitin na:

ADVERTISEMENT

'Di na asang mapatawad mo pa
Dami ng maling nagawa
Sa sorry ko baka matawa
Dahilan kaya 'di na tinangka
Sorry na kasi hindi naman perpekto
Tao lang ako sadyang meron din depekto
Sorry na ulit mali kung 'di pa nakuntento
Sana tayo pa kung natutunan kung pumreno.

Nitong nakaraang Marso, nag-tweet si Jelai tungkol sa umanong pagtataksin muli ni Jon.

Sinabi naman ni Jon na aayusin niya ang problema matapos makausap ang kaniyang ina.

Noong nakaraang Abril,  inamin ni Jon na si Jelai Andres ang decision maker sa kanilang relasyon.

Sa isang video kamakailan, pinayuhan si Jon ng kaniyang emosyonal na ina tungkol sa relasyon nito kay Jelai.

Inamin naman ni Jon na siya ang may pagkakamali. --FRJ, GMA News