Mapapanood sa May 29 ang season finale ng kuwento ng buhay at pamilya ni “Pepito Manaloto.” 

Sa panayam ng GMA News Online nitong Martes, sinabi ni Michael V na gagawa sila ng bagong season para na rin mabigyan ng bagong kuwento ang mga manonood.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Michael V na kilala rin bilang si Bitoy, na hindi nila nais na palaging lumang episode o replay ang naipapalabas dahil na rin sa sitwasyon na dulot ng COVID-19 pandemic.

Sa bagong yugto ng programa, nagpapasalamat si Manilyn Reynes, gumaganap na si Elsa na asawa ni Pepito, sa suporta sa kanila ng mga manonood.

May pamagat na "Unang Kuwento" ang bagong season na mapapanood sa July 17. Dito matutunghayan ang kuwento ng pag-iibigan nina Elsa at Pepito na nagsimula noong 1980s. – FRJ, GMA News