Labis ang pagluluksa ni Jelai Andres matapos pumanaw ang isa sa pinakamamahal niyang aso na si Chicken noong nakaraang taon dahil sa parvo.

Ngunit naibalik ang kaniyang mga masasayang alaala sa tulong ng isang memorabilia na kuhang kuha ang hitsura ng kaniyang alaga.

ADVERTISEMENT

Sa programang "Aha!" sinabing ang parvo ay isang virus na tumatama sa mga aso, at nagkaroon nito si Chicken.

Dinala si Chicken sa veterinary, pero sa huli ay hindi nito kinaya ang sakit at namatay ito. 

Labis ang pagdadalamhati ni Jelai kaya pina-cremate niya ang aso at pinagawan ng memorabilia.

Sa nalalapit na death anniversary ni Chicken, nagpatulong ang "Aha!" sa needle felting artist na si Myla Estolloso, na gumagamit ng wool sa kaniyang handicraft para makagawa ng 3D portrait ni Chicken.   —LBG, GMA News