Gusto man daw niyang gawin pero hindi ginawa ni Bea Alonzo na ipaalam sa kaniyang madalas na leading man na si John Lloyd Cruz na magiging Kapuso na siya.

Kanina [Huwebes], natapos na ang mga bulong-bulungan tungkol sa sikat at award winning actress na magiging Kapuso matapos pumirma ng kontrata si Bea.

Pero bago ang pagpirma ni Bea, unang napanood sa GMA noong nakaraang buwan si John Lloyd sa pamamagitan ng special episode ng online shopping app, kasama si Willie Revillame.

Ginawa ni John Lloyd ang muling paglabas sa telebisyon matapos ang ilang taong pamamahangi sa showbiz.

Dahil kilala sa pagiging malapit sa isa't isa, natanong si Bea kung sinabi ba niya sa aktor na lilipat na siya sa GMA.

ADVERTISEMENT

“To be honest, hindi, because I truly value the confidentiality of the deal. Because siyempre when you're dealing with a big company such a GMA, parang I trust that they would do that for me also, and parang wala namang nag-leak before this event kung meron man haka-haka lang,” sabi ni Bea sa GMANetwork.com.

“Siyempre I would do the same for them. And as much as gusto ko siya tawagan na, 'Uy, alam mo ba?' [pero] hindi ko magawa,” dagdag niya.

Pero pagkatapos ng pagpirma ng kontrata, nagkausap na ang dalawa.

Gusto rin ni Bea ang idea na magkatrabaho silang muli ni John Lloyd na napabalitang gagawa ng sitcom sa GMA.

“That would be one of the greatest ideas ever and I would love to work with John Lloyd again,” ani Bea. “That would be exciting and something that I'm curious about. Sana no?”

Sa virtual interview sa GMA News Online, sinabi ni Bea na nakausap niya si John Lloyd sa pamamagitan ng Zoom call matapos ang kaniyang contract signing.

“He was able to say his well-wishes for me. He was supportive. I’m very happy,” anang aktres.

Nagbiro umano si John Lloyd sa posibleng pag-guest niya sa kaniyang sitcom.

“Biniro niya ako na dapat daw kung mag-guest sa sitcom niya, kaming dalawa lang, walang cast,” kuwento ni Bea, at hilining daw niya kay direk Bobot Mortiz na sana ay gawan ng paraan.— FRJ, GMA News