Umani ng libong heart reactions ang toned figure ni Paolo Contis na may kasama pang pa-abs, na bunga ng kaniyang consistent fitness journey.

Sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa GMA News "24 Oras" nitong Martes, sinabing puspusan ang pagbabawas ng timbang ni Paolo para sa kaniyang leading man material look para sa "I Left My Heart in Sorsogon."

Thankful siya  iba naman ang kaniyang karakter at hindi muna siya gaganap bilang kontrabida.

Ibinida ni Paolo ang kaniyang new at healthier look para sa kaniyang new goal, na na-achieve at ibinida niya sa social media.

 

 

Nagsimula na ang unang taping days ng I Left My Heart in Sorsogon kaya naroon na si Paolo kasama sina Heart Evangelista, Kyline Alcantara, Mavy Legaspi, Elias Point at Zonia Mejia.

Nasa magandang library ng Sorsogon State College ang lokasyon ng shoot nina Heart at Paolo.

Parehong tubong Sorsogon ang mga karakter nina Heart na si Celeste, at ni Paolo na si Mikoy.

Unang pagkakataon na makapunta ng Sorsogon ni Paolo, na masayang maging tourist ng probinsya.

"One of the good things ng show na mapakita natin 'yung ganda ng Pilipinas. Ito 'yung pinakamalayong location ng isang GMA teleserye during the pandemic. I-ready ang cameras, ihanda ang IG stories dahil makikita niyo kung gaano kaganda ang Sorsogon," sabi ni Paolo.

"Nakita mo how she matured as an actress, how professional she is. Sobra niyang maalaga sa lahat. Yes maporma siya, sosyal siya, but she's very down to earth and she makes sure everyone is comfortable," sabi naman ni Paolo tungkol kay Heart.

Makakasama rin nina Paolo at Heart si Richard Yap at Michelle Dee.--Jamil Santos/FRJ, GMA News