Kalunos-lunos ang sinapit ng isang pusa na namataang may nakabaong kutsilyo sa mukha sa San Jose, Nueva Ecija.

Sa ulat ng SONA, inilahad ng uploader na si Wency Dadural na nakita nila ang pusa sa San Jose City Public Market.

Tinangka nina Dadural na sagipin ang pusa kasama ang mga awtoridad pero nagtatakbo ito hanggang sa matanggal ang kutsilyo.

Kasalukuyan pa ring hinahanap ang pusa.—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News