Sa halip na mabulok at itapon ang mga inaning mangga na hindi naibenta, ipinamigay na lang ng isang mag-anak sa Salcedo, Ilocos Sur, ang mga ito sa kanilang mga kalugar.

Sa ulat ng GMA Regional TV News nitong Huwebes, makikita sa social media post na isinasabit ang mga manggang naka-plastic sa bakod sa Barangay Maligcong.

Nanghihinayang umano ang pamilya na masayang lang ang inani nilang mangga na hindi naibenta kaya pinili nilang ipamigay na lang ang mga ito.

Maraming netizen naman ang nasiyahan sa ginawang pamimigay ng mangga sa halip na masayang at hindi pakinabangan.--FRJ, GMA Integrated News