Nais pabasbasan ng ilang residente ang isang kalsada sa Barangay Bued sa Calasiao, Pangasinan dahil sa dami raw ng mga naaaksidente roon, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Sa tala ng barangay, tatlo na ang nasawi sa naturang kalsada nitong Mayo dahil sa mga aksidente. Ang ilan sa mga aksidente ay nakunan pa ng CCTV.

Naka-schedula na sa lokal na simbahan ang pagpapabasbas ng kalye.

Nagpaalala naman ang mga otoridad sa mga motorista na laging mag-ingat sa pagmamaneho. —KBK, GMA Integrated News