Hindi napigilang mapaluha ni Carmina Villaroel nang tanungin siya ng asawang si Zoren Legaspi tungkol sa isang tao na malapit sa buhay niya, sa pagdiriwang niya ng kaniyang ika-46 na kaarawan.

Sa "Sarap, 'Di Ba?" tinanong ni Zoren si Carmina kung ano ang kaniyang nami-miss sa yumaong ina na si Carmen Muñiz-Villarroel.

"Siguro, kung paano niya ako alagaan, especially when I'm sick. Siguro kasi now that I'm a mother, na-realize ko 'yung importance of having a mom," panimula ni Carmina.

ADVERTISEMENT

"Si Mommy Menchu left us. Ako kasi I was very young din eh so ang dami kong hindi nagawa with Mommy Menchu," dagdag ni Carmina.

Kahit na isa nang ina kina Mavy at Cassy, sinabi ni Carmina na gusto pa rin niyang maramdaman ang yakap ng kaniyang Mommy Menchu.

"'Yung pag-aalaga niya sa akin especially when I'm sick or her just being there. Siguro as you grow older you don't really need to talk, but 'yung yakapin ka lang niya."

Inihayag naman ni Mavy kung gaano siya ka-proud sa inang si Carmina.

"At least nasabi ni mommy 'yun, there are things na hindi niya nagawa. But as a son I can say nagawa niya ang lahat as a mother. So I'm very proud of you as my mother," ani Mavy.

"I'm very sure that Mommy Menchu is looking down on you and saying that you're doing a great job because lahat ng nagawa niya, nagagawa mo and more," dagdag ni Mavy na mensahe sa kaniyang ina.

Ipinagdiwang ni Carmina ang kaniyang kaarawan nitong Agosto 17. —Jamil Santos/KG, GMA News