Labis na nagpapasalamat ang Kapuso actor na si Paolo Contis sa pagkakataon na makatrabaho si Yen Santos, na leading lady sa “A Faraway Land.”

Sa online interview ng press nitong Miyerkules, puring-puri ni Paolo ang ugali ni Yen na hindi raw mahirap katrabaho.

ADVERTISEMENT

“She was very professional. Ang dali katrabaho. When she laughs, everyone laughs. Nakakahawa ang kaniyang tawa and she was very easy to work with,” anang aktor.

Kinunan ang “A Faraway Land” sa Faroe Islands, tungkol sa love story nina Majhoy (Yen), may-asawa na, at si Nico (Paolo), isang reporter na gumagawa ng documentary tungkol sa mga OFW doon.

Napapanood na ito sa Netflix, na nag-number 1 spot sa Pilipinas, at maging sa Qatar, at United Arab Emirates.– FRJ, GMA News