Kahit na gaano man niya ka-"love" si Jung Kook, inihayag ni Shaira Diaz na mas "love" niya pa rin ang kaniyang nobyo na si EA Guzman kaysa sa BTS star.

Sa isang nakaraang episode ng "Mars Pa More" kung saan nag-guest si EA, sinabi niyang nape-pressure siya sa tuwing nagkukuwento si Shaira tungkol kay Jung Kook.

"Sa totoo lang, nakaka-pressure naman talaga kapag 'yung mga pinag-uusapan niyo at 'yung mga gusto niyo at mga gusto niya, eh si Jung Kook na," sabi ni EA.

ADVERTISEMENT

"So sa akin nakaka-pressure 'yun dahil feeling ko lang baka 'yung buong attention niya, at mabago 'yung pagmamahal at pagtingin niya sa akin, mapunta kay Jung Kook," dagdag pa ng aktor.

Tumugon naman dito si Shaira Diaz.

"Alam niya naman kung gaano ko ka-love si Jung Kook. Pero kahit gaano ko ka-love si Jung Kook, mas love ko naman siya talaga," sabi ni Shaira.

Binisto rin ni Shaira si EA na fan din si EA ni Jung Kook.

"Alam niya 'yon! At love niya rin si Jung Kook," anang aktres.

Ipinagdiwang nina Shaira at EA ang kanilang ikawalong anibersaryo bilang couple nitong taon sa pamamagitan ng isang quick romantic get-away sa Boracay. – Jamil Santos/RC, GMA News