Kung panggising para sa iba ang pag-inom ng kape, para kina Bianca Umali at sa kaniyang lola, pampatulog sa kanila ang kape tuwing 2:00 am o 3:00 am na bonding time nila.

Sa pagbisita ni Bianca sa "The Boobay and Tekla Show," sinabi ni Bianca, isa sa leading lady ng "Legal Wives," superhero niya ang kanilang lola--na Mama Vicky, ang tawag niya.

Ang lola ni Bianca kasi ang nag-aruga sa kaniya sapul nang maulila ang aktres sa kaniyang mga magulang.

Ang lola rin daw niya ang kaniyang laging kasama noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz.

ADVERTISEMENT

At ang favorite bonding daw nila ng kaniyang lola.

"Every 2:00 am, 3:00 am, gigising kami sabay para magkape at kumain ng hopia," saad nang aktres.

Nang tanungin kung bakit ang aga nilang gumising, paliwanag ni Bianca.

"Kasi ang coffee sa amin, namana ko sa kaniya [lola] na kapag uminom kami ng kape, actually nakakaantok siya for us. Hindi kami nagigising so baliktad," kuwento niya.

"Kaya 'yon ang date namin. Kapag madaling araw na magkukuwentuhan kami. Mayroon kaming round table sa bahay, kakain kami ng hopia. Favorite namin hopia," patuloy ng aktres.

Kasabay nito, tinanong din sa "TBATS," si Bianca kung handa na ba siyang magpa-sexy sa role o rumampa nang naka-two piece bikini. Kinumusta rin ang relasyon nila ngayon ng dati niyang ka-love team na si Miguel Tanfelix.

Alamin ang mga sagot ni Bianca sa video ng "TBATS."

--FRJ, GMA News