Isang kakaibang mother-and-daughter bonding ang naging experience nina Pokwang at Malia sa glamping sa loob ng kanilang bahay.

Sa Instagram ni Pokwang, na mapapanood din sa Unang Balita nitong Martes, makikita ang magandang gising nila ni Malia matapos ang overnight sa kanilang tent setup.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

ADVERTISEMENT

A post shared by Mayette (@itspokwang27)

 

Makikita ring ini-enjoy ng mag-ina ang kanilang breakfast habang nasa outdoors.

Biro ni Pokwang, nanakit ang kaniyang likod nang dahil sa lamig.

"Goodmorning, nag glamping kami kagabi ni Tisay @malia_obrian sobrang happy naman sya, ako sakit likod namaluktot ako sa lamig hahahahaahahhaa," caption niya. — VBL, GMA News