Sinagot ni Jillian Ward ang ilang maiinit na tanong sa "Mars Pa More," tulad ng estado ng kaniyang lovelife at payag kaya siya na magkaroon ng leading man na 10 taon ang tanda sa kaniya.

"Siguro kapag legal age na ako," sagot ng 16-anyos na si Jillian, sa tanong na kung tatanggapin ba niya ang isang proyekto na malaki ang agwat nila ng kaniyang magiging leading man.

ADVERTISEMENT

"Non-existent," sabi naman ni Jillian tungkol sa isang salita na maglalarawan sa kaniyang lovelife.

Pabiro ring sinagot ni Jillian ang tanong kung kaninong tao ang palagi niyang inaabangan ang IG comment nito.

"Si Beyonce. Charot! Never naman niya akong napapansin," sabi ni Jillian, na bahagi ng upcoming series na Prima Donnas Book 2, kasama sina Sofia Pablo at Althea Ablan.

Samantala, alamin sa video kung sino sa BTS members ang nais maka-date ni Sofia, at sino ang Kapuso actor na ultimate crush ni Althea. Panoorin.-- FRJ, GMA News