Hindi na raw mabilang ni Mikoy Morales kung ilang beses naging on and off ang romantic relationship nila ni Thea Tolentino. Kaya naman natanong ang aktor kung magkakabalik pa ba sila ulit?

Sa guesting ni Mikoy sa programang "Mars Pa More," sinabi ni Mikoy na hindi na marahil sila magkakabalikan ni Thea, na isa sa leading lady ngayon sa afternoon series na "Las Hermanas."

ADVERTISEMENT

Ayon kay Mikoy, maaaring naabot na nila ni Thea ang hangganan sa kanilang relasyon.

"Siguro na reached na rin namin yung limits... hindi limits pero parang we've done our parts in each others lives and were ok to that," paliwanag niya.

Sa isang ulat noon ng PEP.ph, sinabi ni Thea na mutual decision ang paghihiwalay nila ni Mikoy.

Gayunman, nananatili raw silang magkaibigan ng aktor. --FRJ, GMA News