Sumabak sa kaniyang kauna-unahang acting project si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa "Gabi ng Lagim IX" Halloween special ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."

Ipinalabas ang naturang episode nitong Linggo kung saan ginampanan ni Rabiya ang role ng babaeng ginagambala ng maligno sa Marinduque na kung tawagin ay "Bungisngis" o "Ngisngis."

ADVERTISEMENT

Ang naturang episode ay idinerek ng award-winning director Adolf Alix Jr.

Nahuli-cam pa sa camera nang ang sinasabing paghawak ng maligno sa buhok ng tunay na dalagang nagustuhan umano ng "Ngisngis."

Una nang sinabi ni Rabiya na nais niyang subukan ang showbiz matapos ang kaniyang pagiging 2020 Miss Universe Philippines.--FRJ, GMA News