Makikipagkulitan na rin si Kuya Kim Atienza sa "Mars Pa More" bilang kauna-unahang lalaking host nito.

Inihayag ng hosts na sina Iya Villania at Camille Prats ang kanilang pag-welcome kay Kuya Kim bilang kanilang kauna-unahang "Pars" sa isang virtual press reveal nitong Miyerkoles.

"It’s unexpected and a complete surprise to us kasi he’s a pars," saad ni Camille.

"But we got excited as we also want to reach out not only to nanays out there, but also to kids, the bagets viewers and pasok doon si Kuya Kim with all his trivia," dagdag ni Camille.

ADVERTISEMENT

Ayon pa kay Camille: "Also, for the pars, may magtatayo na sa bandila ng male viewers. Naiba ang batuhan namin with Kuya Kim there."

 

 

Sinabi naman ni Iya na kaabang-abang ang mga segment ni Kuya Kim.

"Among the three of us, siya 'yung lalabas. He will go to restaurants, to gyms to interview Kapuso stars. Hindi namin ‘yun magagawa," sabi ni Iya.

Nagsimula na si Kuya Kim na mag-taping ng bagong episodes kasama ang kaniyang mga Mars, at excited na rin siyang mapanood ng mga Kapuso ang mga inihanda nila sa bagong studio ng programa.

"First episode pa lang, we enjoyed it na," sabi ni Kuya Kim. "I wasn’t expecting the show to be this enjoyable, it’s so much fun to do. Parang naglalaro lang kami. We do three shows per taping day. Parang bitin nga, kasi ambabait ng lahat, pati production staff. Everyone is pleasant."

Nakatakda nang mapanood si Kuya Kim sa "Mars Pa More" sa Nobyembre 8. --FRJ, GMA News