Sumalang sa maiinit na tanong ang "To Have & To Hold" stars na sina Rocco Nacino at Max Collins sa segment na "Sasagutin o Kakainin" ng "The Boobay and Tekla Show."

Sa naturang programa, tinanong si Rocco kung sino sa mga naka-kissing scene niya ang pinakamasarap na humalik.

Kung hindi sasagutin ni Rocco ang tanong, kailangan niyang inumin ang mga nakahandang iba't ibang inumin na kakaiba ang lasa.

Pero kung sasagutin ni Rocco, pipili siya sa mga co-host na "Mema Squad" kung sino ang iinom sa mga nakahandang inumin.

ADVERTISEMENT

Kaya naman ganun na lang ang pabirong pagbubuyo ng mema squad kay Rocco na huwag sagutin ang tanong dahil baka managot siya sa kaniyang asawa na si Melissa Gohing.

Maging si Rocco, nagbiro na baka magalit sa kaniya si Mellisa at sa labas siya patulugin. Pero dahil trabaho ang pinag-uusapan, sinagot ng aktor ang tanong.

"Si Max Collins," sabi ni Rocco.

Ipinaliwanag niya na mahusay ang pagganap ni Max sa naturang eksena nila sa "To Have & To Hold" dahil nais makabawi ng karakter ni Max sa asawa nito na sa serye na karakter ni Rocco.

Samantala, tinanong naman si Max kung sino kina Rochelle Pangilinan at Andrea Torres ang mas talented?

Alamin sa video kung sasagutin ito ni Max, sino kaya ang mas talented sa dalawa? Panoorin.

--FRJ, GMA News