"Para [silang] nagiging perfectionists." Ito ang pahayag ng batikang direktor at aktres na si Gina Alajar sa cast member ng “Prima Donnas: Book 2" na mapapanood na simula sa Lunes.

"Ang very distinct sa kanilang lahat [ay] parang seryoso sila sa kanilang craft," ayon kay Gina na direktor ng teleserye.

"Naging seryoso sila kasi they always ask questions na how did they do, how did the scene go, o were they okay," kuwento niya.

ADVERTISEMENT

"Kasi, in the past hindi naman sila ganon. Kumbaga, kung ano 'yung nagawa, ok na 'yun sa kanila. But, this time, parang they're more conscious of it... Para [silang] nagiging perfectionists, in other words."

Ikinatutuwa rin ni direk Gina na laging handa ang mga artista kahit pa nag-aaral ang iba sa habang naka-lock-in taping.

"Alam ko na pinag-aaralan nila 'yung eksena nila, pinag-aaralan nila 'yung script nila and, if you will just know how tedious it could be for them ... they still study [and] they still study their script for the next day's schedule," anang batikang actress-director.

"Kaya napapabilib ako ng mga batang 'yan and doon sa set, alam nila' yung mga linya nila, alam naman nila kung ano 'yung mga gagawin nila," patuloy niya. "I think hawahan na 'yan eh."

Ang "Prima Donnas" ay kuwento ng tatlong magkakapatid na ginagampanan nina Jillian Ward, Althea Ablan, at Sofia Pablo.

Kasama rin sa mga young star sina Elijah Alejo, Allen Ansay, Will Ashley, Vince Crisostomo, at Bruce Roeland.

Kabilang din sa "Prima Donnas" sina Aiko Melendez, Chandra Romero, Katrina Halili, Benjie Paras, Wendell Ramos James Blanco, at Sheryl Cruz.– FRJ, GMA News