Hindi inaasahan na matawagan muli sa "Wowowin-Tutok To Win" ang isang lalaki na dati na palang natatawagan at nanalo ng P20,000. Makatanggap kaya siya uli ng biyaya mula kay Willie Revillame?

Bilang bahagi pa rin ng birthday celebration ni Kuya Wil, ang pinipiling tatawagan sa programa ay ang mga nagpo-post sa social media at Youtube ng pagbati sa TV host.

Dito na tinawagan ni Kuya Wil ang isang lalaki na bumati kaniya. Pero sa halip na maglihim, tapat sinabi ng lalaki na natawagan na siya noon.

ADVERTISEMENT

Ayon sa lalaki, nasa Puerto Galera noon si Kuya Wil nang matawagan siya at nabigyan siya ng P20,000.

Sinabi ng lalaki na naging malaking tulong sa kaniya ang ibinigay noon ni Kuya Wil. Kung mabibigyan man siya muli ngayon ng biyaya ng TV host, sinabi ng lalaki na ipangpapagawa niya ito ng kaniyang bahay.

"Eh natawagan ka na pala [dati]," sabi ni Kuya Wil.

"Ok lang po sa iba na lang," sabi naman ng lalaki.

Bigyan pa kaya ni Kuya Wil ng biyaya ang lalaki dahil sa katapatan o tatawag na lang ng iba? Alamin sa video ang naging desisyon ng TV host. Panoorin.

--FRJ, GMA News