Inanunsyo ni Rihanna na buntis siya sa unang baby nila ng rapper na si A$AP Rocky.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkules, sinabing naglabas sina Rihanna at A$AP Rocky ng baby bump photos nitong weekend sa New York.

ADVERTISEMENT

Mabilis na nag-trend worldwide ang anunsyo ng singer-fashion designer dahil na rin sa excitement ng maraming fans.

Isinapubliko nina Rihanna at A$AP Rocky ang kanilang relasyon noong nakaraang taon.

Sa isang panayam sa GQ magazine, sinabi ni A$AP Rocky na si Rihanna ang "The One" at "love of his life." —Jamil Santos/LBG, GMA News