May inamin si Arra San Agustin tungkol sa kaniyang "mini past" relationship, habang may kinalaman naman tungkol kay Mikee Quintos ang inamin ni Paul Salas.

Sa programang "Mars Pa More," tinanong si Arra kung totoo ba na mayroon naging "past" ang aktres sa isa sa mga kasamahan niya sa upcoming series na "Lolong."

Nag-alinlangan muna si Arra na sagutin ang tanong pero kinalaunan ay umamin din siya na "mini" lang.

"Anong klaseng past?," tanong ni Arra. "Ano lang 'yon... mini lang 'yon...yes."

ADVERTISEMENT

Kinalaunan, pinagpaliwanag si Arra tungkol sa naturang "mini past" niya sa co-star sa "Lolong," kung saan isa siya sa mga leading lady ni Ruru Madrid.

"Ano po ito, napabilis lang...parang pahapyaw lang," paliwanag niya.

Nang tanungin ng mga host ng programa kung sino ang aktor, ibinulong na lang ni Arra ang pangalan nito.

Sinabi rin ni Arra na dati na niyang kaibigan ang aktor.

Samantala, sa isa pang segment ng programa, si Paul naman ang may inamin na tungkol sa kanila ni Mikee Quintos.

Sa segment, napasagot ng "meron" si Paul nang tanungin kung totoo bang may "something" sa kanila ni Mikee.

"Ano kami, hindi kami nagmamadali pero dating kami [ni Mikee]. Dito ko lang sinabi 'yan sa Mars," sabi ni Paul.

May inamin din si Arra tungkol sa celebrity na may initial na "MG" na kaniyang naka-date pero nag-fail. Bakit kaya? Panoorin ang video.

--FRJ, GMA News