Sa larawan, mababakas ang matinding kalungkutan ni Sanya Lopez sa pagpanaw ng alaga niyang aso na si Jong Jong.

Sa Instagram, nag-post si Sanya ng mga larawan ni Jong Jong bilang pagpupugay sa kaniyang mahal na alaga.

Inihayag ni Sanya na sobra niyang mami-miss ang kaniyang alaga.

ADVERTISEMENT

“Wala [nang] makikipag unahan sa’kin sa treadmill. Yung ikaw lang yung laging nakatingin sa camera ‘pag may picturan na. Ikaw laging unang nakakaramdam ‘pag may pinagdadaanan ako,” saad niya.

“Wala [nang] manonood sa’kin at iki-kiss ako ‘pag umiiyak ako. I love you so much, Jong Jong. Sobrang sakit na mawala ka sa’min. Thank you sa panahon na pinahiram ka sa’min para pasayahin kami,” patuloy pa ng aktres.

 

 

Kabilang sa mga nagpaabot ng pakikiramay kay Sanya ang kapatid niyang si Jak Roberto, Cassy Legaspi, at Kakai Bautista.

Maraming netizens din ang naka-relate sa nararamdaman ni Sanya. — FRJ, GMA News