Muling nagbabalik ang Kapuso sitcom na "Pepito Manaloto" para sa Book 3 nito.

Ito ang kinumpirma ni Manilyn Reynes sa kaniyang IG, kung saan nag-post siya ng larawan ng cast.

ADVERTISEMENT

 

 

"Pagpasok ng week, may good news agad! Book 3 na po tayo! 'Pepito Manaloto Tuloy Ang Kuwento,' tuloy-tuloy na po!!! See you soon!!!" caption ni Manilyn.

Sa kaniya ring IG, nagbahagi si John Feir ng larawan ng kanilang unang araw ng taping, kung saan makikitang kasama sina Michael V., Manilyn, Jake Vargas, Ronnie Henares at Angel Satsumi.

"What a beautiful day," caption ng komedyante. —Jamil Santos/VBL, GMA News