Inilahad ni Gabbi Garcia na kung bibigyan ng pagkakataon, game siyang sumalang sa isang Girls' Love o GL series kasama ang mga kapwa niya "Sang'gre" sa Encantadia na sina Kylie Padilla, Glaiza de Castro at Sanya Lopez.

"Uy dream role ko 'yan," sabi ni Gabbi sa isang panayam sa kanila ni Kylie.

"Masaya siya!" komento naman ni Kylie, na una nang nakasabak sa isang GL series kasama si Andrea Torres na “BetCin.”

ADVERTISEMENT

"Nakita ko nga 'yung sa'yo. Dream role ko 'yan, kasi sa all-girls school ako galing. Hello?!" pagkuwento ni Gabbi.

Hindi rin daw mag-aatubiling muling tumanggap ng isang GL series na proyekto si Kylie.

"Yes game kami!" sabi ni Kylie.

Biro ni Gabbi, payag siya kahit kasama pa niya sa series ang mga kapwa niya "Sang'gre."

"Gusto mo kaming apat pa eh, nag-aagawan kami," natatawang biro ni Gabbi.

"Ang saya nu'n. Lahat tayo 'no?'" pagsegundo naman ni Kylie.

"Oo ang saya nu'n, sobrang saya nu'n," hirit ni Gabbi.-- FRJ, GMA News