Matapos ianunsyo ni Rita Daniela na magiging mommy na siya, nagpahayag naman ng suporta sa kaniya ang ka-love team na si Ken Chan.

Sa social media post nitong Linggo, inihayag ni Ken kay Rita at sa magiging baby nito na, "As a friend, as someone who cares, I’ll always be here for you no matter what."

"Miracles are worth their weight in gold, if not many times more," patuloy ng aktor.

ADVERTISEMENT

Sabi pa ni Ken, "I pray to God for the utmost positivity, protection, support and love to surround you and your baby."

Inihayag din ng aktor kay Rita na, "I am so proud of you @missritadaniela."

 

 

Nakilala ang tambalan nina Rita at Ken, na "RitKen," dahil sa mga proyektong pinagtambalan nila katulad ng My Special Tatay,""Ang Dalawang Ikaw" at "Huling Ulan sa Tag-araw.”

Ipinaalam ni Rita na buntis siya sa Queendom segment ng "All-Out Sundays" nitong Linggo. — FRJ, GMA News