May pabirong post si Rabiya Mateo sa Instragram sa harap ng mga ekspekulasyon na hiwalay na sila ng nobyong si Jeric Gonzales.

Nag-post si Rabiya ng kaniyang mga larawan sa IG nitong Linggo na may nakasaad na, ""Hi! Ako pala 'yung sinaing mo. Joke!"

ADVERTISEMENT

Kamakailan lang, napansin ng mga follower ng Miss Universe Philippines 2020, na nag-unfollow sa isa't isa sina Rabiya at Jeric sa Instagram.

Wala pang opisyal na pahayag ang dalawa tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon. Pero inalis na rin nila ang mga larawan na magkasama sila.

Unang nagkakilala ang dalawa nang magkatrabaho sila sa isang episode ng "Wish Ko Lang" noong nakaraang Nobyembre.

Matapos nito ay nakikita na silang magkasamang namamasyal. Hanggang sa ipahayag na nila ang kanilang relasyon noong Marso.

Nagsimula ang linyang, "Ako pala 'yung sinaing mo" joke sa post si Wil Dasovich na tila sagot niya sa post ng ex-girlfriend na si Alodia Gosiengfiao, na nagpahayag naman ng "Ako pala 'yung sinayang mo," makaraang maghiwalay sila. —FRJ, GMA News