Sold-out ang unang show ni Kean Cipriano, mahigit isang linggo mula nang ianunsyo ang pagkalas niya sa bandang Callalily, na nagpalit na ng pangalan bilang Lily.

Sa Instagram, nag-post ng pasasalamat si Kean sa mga nanood ng kaniyang show noong Sabado na ginanap sa Winford Manila Resort & Casino.

“Thank you all for coming last night!,” panimula ng actor-musician sa post.
Aminado siya na kabado siya sa naturang pagtatanghal na hindi na kasama ang mga dating kabanda. Bukod pa ang mga kontrobersiyang nilikha nang pagkalas niya sa Callalily, kung saan 17 taon siya sa grupo.

ADVERTISEMENT

“Oftentimes, people will loosely label you as selfish for choosing what’s best for you. Let them negate their world. I continue to eat judgment for breakfast,” saad ni Kean.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kean Cipriano (@kean)

 

Sa yugto ngayon ng kaniyang karera, payo ni Kean, “never let outside noise steer you away from what your soul is saying. Move if you must, jump if need be.”

Labas ang pasasalamat niya sa mga patuloy na sumusuporta sa kaniya.

“Sobrang sarap ng tugtog kagabi. Ramdam na ramdam ko yung pagmamahal. Can’t wait for the next one,” ayon pa kay Kean.— FRJ, GMA News