Isang linggo matapos ianunsyo ang gagawing pagtatanghal sa Pilipinas ng Maroon 5 sa Disyembre, inihayag na ngayon ng concert organizer na Live Nation Philippines ang halaga ng mga tiket.

Mabibili ang tiket simula sa August 6, at may pre-sale para sa fan club members sa August 4, at sa Live Nation Philippines sa August 5.

 

ADVERTISEMENT

 

Mabibili ang mga tiket sa  www.smtickets.com at sa kanilang mga outlet.

Nagkakahalaga ang ticket ng mula P2,500 hanggang P23,500:

Floor Standing - P23,500
Patron Sides - P22,000
LBA Premium - P20,000
LBA Regular - P17,500
LBB Premium - P15,000
LBB Regular - P13,500
UB Premium - P8,000
UB Regular - P6,500
Gen Ad - P2,500

Bukod sa Pilipinas, kasama rin sa Asian leg ng Maroon 5's World Tour ang South Korea, Thailand, at Japan. — FRJ, GMA News