Palaban at walang atrasan sina Miles Ocampo at bagong "Eat Bulaga" dabarkads na si Beauty Gonzalez sa kanilang "knock-knock" jokes.

Si Miles, "Anniversary" ang knock-knock para na rin sa nalalapit na anniversary ng Eat Bulaga. Sinundan pa niya ito ng "Grand finals."

ADVERTISEMENT

Habang si Beauty, nag-knock-knock naman ng "I'm mad, pero konti lang."

Tunghayan sa video ang nakatutuwang reaksyon ng mga dabarkads lalo na si Maine Mendoza, at alamin kung kaninong joke ang tinawag ni Paolo Ballesteros na "ang taray" dahil may kasamang explanation. Panoorin.--FRJ, GMA News