Isang nakakakilig na mensahe ang ipinaabot ni Bianca Umali kay Ruru Madrid, kasama ng pag-post niya ng isang sweet photo nila na magkasama. Ang aktor naman, may regalong roses at sinabing miss na niya ang dalaga.

Sa post ni Bianca sa Instagram, makikita ang isang close up ng mga ngiti nila ni Ruru habang close sila sa isa't isa.

"If it's not you, it's not anyone," caption ni Bianca.

ADVERTISEMENT

Sa kaniya namang Instagram, nag-post si Ruru ng isang video at mga larawan ni Bianca na kinikilig at nakangiti habang hawak-hawak ang bouquet ng Ecuadorian red roses.

"Since the day I met you, my life has never been the same," mensahe ni Ruru kay Bianca.

"Amishuuu," dagdag na mensahe pa ng "Lolong" star sa dalaga.

Bagama't hindi pa nagdedetalye sa estado ng kanilang relasyon, naging bukas na si Ruru na pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Bianca.

"I would consider her bilang isang tao na maraming nagagawa for me," sabi ni Ruru tungkol sa aktres.

Dagdag ni Ruru, hindi madali ang pinagdadaanan nila ni Bianca bilang celebrities. —Jamil Santos/VBL, GMA News