Nakisaya ang Sparkle stars sa jam-packed na Kapuso Fiesta sa Kabankalan City, kasabay ng ika-25 charter anniversary ng lungsod sa Negros Occidental.

Sa Chika Minute report sa 24 Oras nitong Huwebes, sinabing kabilang sa mga nakisaya ang leading ladies ng Lolong na sina Shaira Diaz at Arra San Agustin.

ADVERTISEMENT

All-out sina Shaira at Arra sa kani-kanilang mga production number.

Naghatid naman ng kilig ang Sparkle hunks na sina Benjamin Alves at Prince Clemente, na hinarana rin ang ilang Kabankalanon.

Nagsagawa rin ng mga masasayang aktibidad, na game na game na nilakuhan ng Kapuso fans. —Jamil Santos/NB, GMA News