Nag-double date sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi, at Ruru Madrid at Bianca Umali sa kanilang night workout session.

Sa Instagram stories ni Kyline, na makikita rin sa Unang Balita nitong Huwebes, ibinahagi ng aktres ang mga larawan nilang apat habang nagde-deadlifts.

ADVERTISEMENT

Nang matapos sa kanilang routine, binati sila ng "job well done" ng kanilang fitness trainer na si Ghel Lerpido.

Tinag din ni Ghel sa IG story ang apat na may caption na "Tuesday Squad" at "Training complete." — Jamil Santos/VBL, GMA News