Nag-ala "Princess Sarah" si Camille Prats nang sagutin niya ang ilang maiinit na tanong habang nagbabalat ng patatas.

Sa isang YouTube Sparkle interview, ikinuwento ni Camille na bata pa lamang, pinangarap na niyang maging artista.

ADVERTISEMENT

Ibinahagi rin ni Camille ang hindi niya malilimutang role sa pag-arte, pati na rin ang ilan niyang nakakahiyang moments sa pagiging host.

Ayon sa Kapuso actress-host, gusto niyang makatrabaho muli ang best friend na si Angelica Panganiban, na gumanap bilang si Becky sa pelikulang "Sarah… Ang Munting Prinsesa" noong 1995.

"I really hope an I dream of working with her again at this stage of our lives. Kasi siya 'yung lagi kong kasama. It makes me wonder na sa edad namin ngayon, ano kaya ang pakiramdam na magtrabaho ulit?" sabi ni Camille.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News