Inanunsyo ng Sponge Cola ang kanilang concert sa December 14 bilang pagdiriwang ng kanilang 20th anniversary.

“May 3 months na kayo to prepare ha! CHEERS to 20 years! Bottoms up!,” saad ng grupo sa comments section ng kanilang anunsyo na ipinost sa Facebook.

ADVERTISEMENT

Hindi pa inihahayag ang halaga ng ticket at venue ng concert.

Sa tweet ng frontman ng banda na si Yael Yuzon, sinabi nito na magkakaroon din sila ng shows sa Canada sa Nobyembre.

 

 

Kabilang sa hit OPM classics ng Sponge Cola ang “Kay Tagal Kitang Hinintay,” “Jeepney,” “Di Na Mababawi,” at “Pag-Ibig,” na naging theme song GMA series na “Dangwa.” — FRJ, GMA News