Proud parents sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo matapos mag-uwi ng tatlong medalya ang anak nilang si Yohan sa isang swimming event.

Sa kanilang Instagram, ibinahagi nina Judy Ann at Ryan ang milestone ng kanilang anak sa nasabing sport.

ADVERTISEMENT

"So proud of you my love! 1st in fly, 3rd in back, 2nd in 100 free... all while juggling school work, training and college application... you did so well baby girl!!" caption ni Judy Ann.

Makikita naman sa Instagram ni Ryan si Yohan sa kaniyang swimming gear at ang pagsabak niya sa kompetisyon.

Ibinahagi rin ni Ryan ang mga nakamit na medalya ni Yohan sa iba't ibang swimming strokes.

Si Yohan ang panganay nina Judy Ann at Ryan, at may dalawa pang nakababatang kapatid na sina Lucho at Luna. —Jamil Santos/VBL, GMA News