Ipinakita ni Rabiya Mateo na hindi lang panlabas na hitsura niya ang maganda, kung hindi maging ang kaniyang kalooban.

Sa isang viral Facebook post ni Peabo Bryson Orilla, event coordinator at resident host sa drag bar Nectar, may mga "queen" mula sa Baguio ang naloko ng kanilang Airbnb host.

Wala tuloy silang matuluyan at hindi makapaghanda para sa Drag Cartel performance. Dahil dito, humingi ng tulong si Peabo sa netizens na nasa Bonifacio Global City area.

ADVERTISEMENT

Sa comments section, nagkomento at nagtanong ang Miss Universe Philippines 2020 titleholder at "TiktoClock" host: "Ilan po sila?"

Nang sabihin ng drag queen na lima sila sa grupo, sinabi ni Rabiya, "They can stay at my place sa BGC. Not that big pero they are welcome po."

Sa update, ni queen Christian Lubrica o Empy Radora at Peabo, sinabi nila natuloy sila sa lugar ni Rabiya, at naghahanda na sila sa pagtatanghal.

Sa comment section, umani ng papuri at pasasalamat ang ginawa niya Rabiya.

 

@jireh027m Rabiya is Rabiya ???????????? #GustoKoLangSabihin #robertatamondong #tracymaureenperez #missuniversephilippines2022 ? Sa Susunod na Habang Buhay - Ben&Ben

 

Sa TikTok, binalikan nila ang humble beginnings ni Rabiya, at inisip nila na ito ang dahilan kaya handang tumulong sa iba ang beauty queen.—FRJ, GMA News