Dahil nagipit dulot ng COVID-19 pandemic, napilitan ang isang Senior citizen na kumapit sa pautang at isinangla ang kaniyang "pensiyon." Para mabawi ang kaniyang pensiyon, to the rescue sa kaniya ang "Eat Bulaga."

Sa isang episode ng "Eat Bulaga," napag-alaman na dating taxi driver si Mang Efren. Pero dahil nagipit mula nang magkaroon ng pandemic, nangutang siya ng P15,000 at ginamit niyang prenda ang ATM card ng kaniyang pensyon.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Mang Efren, P5,000 kada buwan ang pensiyon. Pero sa tuwing mababayaran na niya ang utang, muli siyang "bumubuwelta" at nakakautang muli.

Dahil dito, sinabi ni Tito Sotto na ibigay na ang halagang kailangan ni Mang Efren para mabayaran nito ang utang at mabawi na ang kaniyang ATM.

Bukod sa pangtubos sa ATM, dinagdagan pa ng mga dabarkads ang ibinigay kay Mang Efren para hindi na "bumuwelta" o umutang muli. Panoorin ang naturang tagpo.--FRJ, GMA News