Patuloy ang pagbabahagi ng Kapuso "Primetime King & Queen" na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ng mga ganap sa kanilang buhay. At ang latest, ang paglipat nila sa bago nilang tahanan.

Sa programang "Dapat Alam Mo," ipinakita ang mga larawan ng bagong bahay ng mag-asawa kung saan nabanggit ni Dingdong sa kaniyang post na, "dreams do come come true even at 42."

Sa isang larawan, nakikita ang pamilya Dantes na magkakasama sa gilid ng pool, kasama ang kanilang aso na labrador.

ADVERTISEMENT

May kuha rin si Dingdong na nare-relax at tila nagmumuni-muni sa gilid ng pool.

“The things we cherish most often do not come easy,” saad niya sa kaniyang post. “A house is no different.”

“We work hard to build it—founded on all the learnings and sacrifices for us to achieve it,” dagdag ng aktor.

May larawan din si Zia na masayang tumalon sa pool.

Ayon sa "Dapat Alam Mo," minsan na rin ipinakita noon ni Dingdong ang dating tahanan nito sa programang "Tunay Na Buhay."

Dito inihayag niya na hindi niya tipo ang sobrang modern na disenyo ng bahay. Sa halip, nais niyang maramdaman ang pagiging "homey" nito.

Sa hiwalay na panayam din noon kay Marian, binalikan naman ang childhood house ng aktres. Dito, sinabi ni Marian na maigsi lang ang buhay kaya dapat ang lahat ng pinaghirapan ay ilagay sa bagay na hindi pagsisisihan.-- FRJ, GMA Integrated News