Isang modernang Maria Clara ang nakita kay Barbie Forteza sa kaniyang unang cover shoot para sa isang fashion magazine.

Sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa “24 Oras Weekend” nitong Sabado, sinabing playful at bubbly ang peg ni Barbie sa kaniyang latest photoshoot.

Nakaramdam din ng kaunting kaba si Barbie nang may ilagay na sisiw sa kaniyang balikat.

ADVERTISEMENT

"Masaya kasi kung hindi po ako nagkakamali, first cover shoot ko po ata ito. Nakakatuwa kasi dati isa ito sa mga gusto ko talagang gawin," sabi ni Barbie.

"I always like to kid myself, 'that as a model' hahahaha! Because I know it’s physically demanding to be one. I am anything but the 'model type' and I am totally fine with that. I’ve always loved myself, all the fluffiness and petiteness of it lol," caption naman ni Barbie sa kaniyang Instagram post.

Dagdag ni Barbie, gusto niyang makilala at idiin ang pinakamamahal niyang gawin, ang acting.

“A model with purpose. Oha! Laban kayo? Hahahaha!!!” anang aktres.

Pinasalamatan ni Barbie ang kaniyang mga mahal sa buhay at mga tagasuporta.

"They know how long I’ve waited for this moment to happen. From the bottom of my heart, maraming salamat po sa inyong lahat!” — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News