Hindi lang ang kambal na anak ng mister niyang si Senador Chiz Escudero ang kasama ni Heart Evangelista sa pamamasyal sa Japan. Nandoon din mismo ang kaniyang kabiyak.

Nag-post si Heart ng larawan sa Instagram habang tila nagkakape sila ng senador.

May mga larawan din sila sa ginawa nilang pamamasyal sa Roppongi, Tokyo.

ADVERTISEMENT

Makikita ang bonggang kasuotan ni Heart sa harapan ng Hermes store.   

Simpleng "JP" lang ang caption ni Heart sa post at naka-tag ang kaniyang mister.

 

Bago nito, nag-post si Heart ng mga larawan na kasama niya ang mga anak ni Chiz na sina Chesi at Quino habang kumakain sila sa Japan.

Noong nakaraang taon, nagkaroon ng mga espekulasyon ang netizen na baka may problema sa pagsasama ng mag-asawa dahil sa matagal na pananatili ni Heart sa Paris.

Pero kamakailan lang, nag-post si Heart nang larawan ng kanilang pamilya na magkakasamang sinalubong ang 2023. --FRJ, GMA Integrated News