Matapos ang dalawang dekada, muling magkakatrabaho sina Dennis Trillo at Bea Alonzo para sa collab ng Kapuso Network at ng Viu na "Love Before Sunrise."

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, sinabing naging magkatambal na noon sina Dennis at Bea nang nagsisimula pa lamang sila sa kanilang showbiz career.

ADVERTISEMENT

"This is a reunion!" sabi ni Bea. "Even before I moved to GMA, nire-request ko na talagang makatrabaho si Dennis and finally, nag-align ang stars and finally we'll be working again," sabi ni Bea.

Inihayag naman ni Dennis na excited siya sa proyekto at sa mga eksenang gagawin nila ni Bea.

Ang Viu ang leading pan-regional over-the-top (OTT) video stream service. 

Pangungunahan naman ng GMA Entertainment Group proyektong "Love Before Sunrise".--Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News